dc          
 
para protektahan ang pondo ng mga manggagawa sa SSS, GSIS, OWWA

 

View Current Signatures   -   Sign the Petition


To:  pamahalaang Macapagal-Arroyo

Manipesto ng pagkakaisa

Kami, mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, sa loob at labas ng bansa, ay mariing tumututol sa paggamit pondo ng SSS, GSIS, OWWA, at iba pang pinaglagakan namin ng perang pinagtrabahuan namin, para sa mga kahina-hinalang proyekto ng gubyernong Arroyo. Nagpahayag si SSS President Romulo Neri kamakailan na maglalaan siya ng P12.5 bilyong sobrang pondo umano ng SSS para sa “economic stimulus fund” daw ng pamahalaan.

Naninindigan kaming ang mga pondong hinahawakan ng mga nasabing ahensya ay pribadong pondong hindi maaaring basta na lamang galawin ng gubyerno. Pera namin iyon at hinding-hindi namin hahayaang mapakialaman lalo na ng isang kilalang kurap na administrasyon.

Naniniwala kaming kung may sobrang pondo mang nalilikom sa SSS o iba pang katulad na ahensya, ito ay dapat lamang mapunta sa mga benepisyong direktang mararamdaman namin na mga miyembro nito. Maaaring itong gamitin para dagdagan ang halaga ng iba’t ibang porma ng benepisyo sa SSS tulad ng retirement fund, accident insurance, maternity leave, o kaya’y pantulong sa paparaming bilang ng natatangal sa trabaho ngayon.

Nakikita rin naming lubhang kaduda-duda ang sinasabing “stimulus fund” ng gubyernong Arroyo na para umano sa pag-ibsan sa krisis pang-ekonomiya. Hindi ganap na malinaw kung sinu-sino ang mamahala sa pondong ito, o kung saan-saan ito mapupunta. Malaki rin ang batayan para magamit lamang ang nasabing pondo para sa pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan, sapagkat nalalapit na ang pagtatapos ng kanilang termino.

Nananawagan kaming bawiin ni Romulo Neri ang alok niyang ibigay ang P12.5 bilyong pondo ng SSS para sa kahina-hinalang proyekto ng gubyerno, at binabalaan namin ang GSIS, OWWA, at iba pang katulad na ahensya na huwag nang maglabas ng anumang pondo para sa kung anu-anong huwad na programa na hindi naman pakikinabangan naming mga miyembro at nag-iimpok ng pera dito.

Nilagdaan,

Sincerely,

The Undersigned

View Current Signatures
 


The para protektahan ang pondo ng mga manggagawa sa SSS, GSIS, OWWA Petition to pamahalaang Macapagal-Arroyo was created by COURAGE, KMU, Migrante Int'l, Gabriela, Anakpawis and written by ProFund Alliance (kilusangmayouno@gmail.com).  This petition is hosted here at www.PetitionOnline.com as a public service. There is no endorsement of this petition, express or implied, by Artifice, Inc. or our sponsors. For technical support please use our simple Petition Help form.

tags:   Fund   GSIS   OWWA   SSS   stimulus  

Send Petition to a Friend - Petition FAQ - Start a Petition - Contributions - Privacy - Media Kit

PetitionOnline - DesignCommunity - ArchitectureWeek - Great Buildings - Archiplanet - Search
http://www.PetitionOnline.com/profund/petition.html © 1999-2007 Artifice, Inc. - All Rights Reserved.